Minsan lang umamin ang babae na gusto nila ang lalake. Kapag sobrang nag uumapaw na siguro ang pagmamahal eh nagagawa na nila ito. Para mabasag na ang katahimikan ng dalawang partido tungkol sa nararamdaman nila. Eto hirap kapag sobrang torpe o playing safe si lalake. Minsan nagagawa na ng babae ang mga bagay na hindi naman dapat nila ginagawa. In the first place lalake naman talaga ang gagawa ng move kung tutuusin. Ang babae daw nilikha para maghintay ng sinasabi ng karamihan na “Prince Charming”.
Pero yun nga, nag iiba ang pananaw ng tao, nag iiba ang mga tao sa bawat henerasyon na kinabibilangan natin. Minsan babae na ang gagawa ng way para masabi niya sa lalake na “OK LANG” magparamdam ka lang ng magparamdam. Pag nanligaw ka sasagutin kita. Ang sarap naman makarinig ng ganun. Pero minsan nasasaktan ang babae, nag aassume sila. Minsan kasi may mga lalakeng sadyang sweet lang talaga. Same lang rin naman sa lalake, may mga babae na sadyang sweet lang na maaring makapag trigger sa amin na mag assume na may gusto rin kayo sa amin. Sabi nga eh balanse lang ang mundo ng pag-ibig. May ibat-ibang kwento man, may ibat-ibang problema. Pero sigurado akong lahat ng taong nagmamahal sa huli eh nagiging masaya.
(via partofyourrworld)
ako umaamin! :))))) unless corner...ako.. wahahahah .. :)))))